Bangka lumubog, 22 turista, sakay

ni BRT | April 10, 2023

Aabot sa 22 turista ang nasagip matapos lumubog ang isang recreational boat sa Lamon Bay patungong Calaguas Islands sa Vinzons, Camarines Norte nitong Sabado.
Nailigtas ang mga turista na galing Rizal province, ng mga rumespondeng mangingisda at tour guide.
Posible umanong sumadsad sa bahura ang bangka bago mahampas ng alon dulot ng malakas na bugso ng hangin.
Nasa 1.5 nautical miles pa lang umano ang layo ng bangka sa bukana ng ilog kung saan naroroon ang Minaogan Port sa Vinzons nang lumubog.





Comments