top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Banat ni Cong. Teves kay DILG Sec. Abalos, paki-explain!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 23, 2023



ONLINE SABONG, IBINANAT NI CONG. TEVES KAY DILG SEC. ABALOS—Sa latest video ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, ang isa sa nakakaintriga na kanyang sinabi ay noong hindi pa nangyayari ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo ay mainit na sa kanya si Sec. Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa isyu ng kanyang pa-online sabong sa Negros Island. Kesyo kung gusto raw nitong magpa-online sabong sa kanyang nasasakupan ay magpa-online sabong na lang daw, at huwag nang idikit ang pangalan niya sa pagpatay sa gobernador.


Dapat bigyang-linaw ni Sec. Abalos ang isyung ito dahil bad pakinggan ang banat sa kanya ni Cong. Teves, na idinidikit nito sa online sabong ang kalihim, period!


◘◘◘


KAYA LANG PALA NAG-KONGRESISTA SI TEVES AY PARA MAGPA-ONLINE SABONG—Ang pag-amin ni Cong. Teves na siya ay may pa-online sabong sa Negros Island ay pagpapatunay na kung gaano kawalang-hiya ang mga traditional politician o trapo na tulad niya.


Mantakin n’yo, kumandidato siya for congressman, hindi pala para maglingkod kundi para maging gambling lord ng online sabong para raketin ang kanyang mga kababayan. Pwe!


◘◘◘


BINABALATUBA NA NGA NG GAMBLING LORDS ANG GOBYERNO, PINAYAGAN PANG MAG-OPERATE NG STL-CON JUETENG—Sa pagbaba sa puwesto ni ex-P-Duterte noong Hunyo 30, 2022, napaso o nag-expire na rin ang permit na ibinigay ng Duterte administration sa mga gambling lords na may Small Town Lottery (STL)-con jueteng at nang busisiin ng Senado noong Pebrero 14, 2023 kung magkano ang halagang naipasok sa kaban ng bayan ng mga STL-con jueteng operators, natuklasan na may utang pa silang higit P5 billion sa pamahalaan.


Ito ang masaklap d’yan, sa kabila ng malaking utang sa gobyerno ang mga gambling lords, na binalatuba na nga ang pamahalaan, ay pinapayagan pa rin ng Marcos administration ang mga STL-con jueteng operators na mag-operate ng ganitong pasugalan sa iba’t ibang panig ng bansa.


Buset!


◘◘◘


DAPAT IPAALALA NI EX-MAYOR SONNY BELMONTE KAY MAYOR JOY NA BAD ANG STL-CON JUETENG—Halos lahat daw ng barangay sa Quezon City ay may mga kubrador na ng STL-con jueteng at dedma lang dito si Mayor Joy Belmonte.


Panawagan kay former Mayor Sonny Belmonte, baka puwedeng paalalahanan niya ang kanyang anak na si Mayor Joy na bad ang STL-con jueteng na panraraket sa kanilang mamamayan. Dapat ipa-stop agad ito tulad ng ginawa niya noong 2006 kung saan siya pa ang alkalde ng QC, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page