top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Balik-work-from-home kontra kumakalat na kaso ng COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2021
1 min read

@Editorial | March 20, 2021



Inihirit ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na muling ipatupad ang work-from-home scheme upang hindi na tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19.


Base sa DOLE, nasa 37,434 na ang nagsasagawa ng work-from-home noon pang 2020.


May mga kumpanya na halos nakasabay na sa sitwasyon at tanggap na rin ng mga empleyado ang bagong set-up. Marami ang nagsasabing hindi lang sila nakaiiwas sa banta ng COVID-19, mas nagkaroon pa sila ng panahon sa pamilya.


Bagama’t may iba na hindi talaga umubra ang WFH dahil sa ilang problema, pangunahin na sa internet connection. Habang meron namang hindi talaga puwedeng gawin sa bahay ang trabaho.


Samantala, nais pa rin maipaunawa sa mga employers ang mas malaking tsansa ng hawaan kung ang empleyado nila ay babiyahe pa patungo sa trabaho.


Matatandaang, kamakailan nang sabihin ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng isang LGU na karaniwang nagkakaroon ng hawaan sa pinagtatrabahuan na naiuuwi naman sa pamilya.


Kaya ang paalala sa mga business establishment na hindi talaga kaya ang WFH scheme, ipagpatuloy lang ang prevention, detection, contact tracing, isolation at management strategies sa kumpanya, opisina o tindahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page