top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Balik-ruta, malaking tulong sa kakulangan ng PUVs

BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 19, 2022


Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto, pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) na muling maibalik ang mga ruta ng city buses sa Metro Manila.


Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Cheloy Garafil, inirekomenda ng ahensya ang pagbabalik ng pre-pandemic city bus routes, na karamihan ay pumupunta sa university belt at ibang eskuwelahan sa National Capital Region (NCR).


Nabatid na ang city bus routes, partikular ang hindi bumabagtas sa EDSA ay binubuo ng 30% ng total pre-pandemic routes.


Samantala, tiniyak ni Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Steven Pastor na sapat ang available public transportation, basta’t i-deploy ng mga operators ang 90% ng kanilang Public Utility Vehicles (PUVs).


Gayunman, ipinatawag na umano ng pamunuan ng DOTr ang iba’t ibang concerned government agencies upang maayos ang mga isyu at problema na kinakaharap ng transport sector.


Matatandaang, kabilang sa pangamba ng mga komyuter ang mas mahirap na pagbiyahe sa oras na magbukas ang klase. Ibig sabihin kasi, mas dumami pa ang mga komyuter at lalong mararamdaman ang kakulangan ng mga bumibiyaheng PUVs.


Gayunman, kung mapapayagan ang pagbabalik ng city buses, sana’y paghandaan din ang magiging epekto nito tulad ng dagdag-trapik.


Batid nating ginagawa ng mga kinauukulan ang lahat upang malinis ang mga kalye nang maluwag itong madaanan ng mga motorista at makabawas sa trapik, kaya naman hangad nating maging matagumpay ito bago ang parating na balik-eskuwela.


Kung madaragdagan ang bilang ng mga sasakyan, pakiusap din natin sa mga kinauukulan na sikapin nating matugunan ang lahat ng problema sa transportasyon.


Siguro, napapanahon na ring ibalik ang coding at sana’y maisama ang mga jeep sa magbabalik-ruta.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page