Balik-GMA, 'di tanggap… NETIZENS KAY BILLY: OPORTUNISTA, NEGA, PIKON!
- BULGAR
- Jun 20, 2023
- 2 min read
ni Maricon Nolasco @MarisPluk | June 20, 2023

Masaya si Billy Crawford na muli siyang nakabalik at tinanggap sa kanyang unang naging tahanan — ang GMA Network. Ang singer-TV host ang bagong magiging bahagi ng programang TikToClock.
Ipinakilala na nga siya ni Pokwang at kinumusta kung ano ang nararamdaman niya sa pagbabalik sa GMA-7. Binanggit din ng komedyana na nasa Studio 6 ang German Moreno Studio.
Alam naman sa showbiz na matagal na naging alaga ni Kuya Germs si Billy simula noong nasa That's Entertainment pa siya.
Sagot ng singer-TV host, "Parang nasa bahay ko lang. Parang bumalik ako rito na nandito pa rin ang spirit ng aking Tatay, si Papa Germs. Dito ako nagsimulang maging makulit."
Dagdag pa ni Billy, sobrang blessed daw siya na muling nakabalik sa Kapuso Network.
Bukod sa pagkakaroon ng masayang pamilya, binigyan pa raw siya ng magandang trabaho.
At noong mga panahon daw na hindi alam ng mga artista kung saan sila pupunta dahil sa pandemic ay naging welcoming pa rin daw ang GMA-7 sa kanya at sa lahat.
'Di naman napigilan ng mga netizens na mag-iwan ng iba't ibang reaksiyon sa pagbabalik ni Billy sa Kapuso Network.

"Okay naman mag-host si Billy, pang-formal hosting lang talaga siya. I'm complimenting him, 'di siya puwede sa asaran at physical hosting kasi pikon siya."
"Nagtampo sa kanya si Kuya Germs nu'ng umober da bakod sa ABS-CBN, tapos ngayong natsugi ang show niya sa TV5, balik ulit sa GMA-7. Oportunista yarn?"
"OMG! Lumipat ulit ng network 'yung negastar. Hahahaha!"
"Hindi talaga puwede na maging host si Billy ng mga shows na may halong comedy kasi asar-talo at pikunin siya. Kaya nga 'di 'yan nagtagal sa It's Showtime, eh, nakaaway lahat ng hosts.
Lol!"
"Finally, magkasama na rin kayo ni Kuya Kim (Atienza) na parehong bitter at backstabber.
Akala mo, 'di pinakinabangan 'yung It's Showtime. Lol!"
Araaaay! Grabe naman, ang ha-harsh ng mga comments ng mga netizens!





Comments