top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Balak saluhin ang naluging parlor ng tropa, mapapaunlad kahit feeling malas

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2020
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 10, 2020



Dear Maestro,


Tungkol sa negosyo ang nais kong malaman. Halimbawang magbukas ako ng sariling parlor, aasenso ba ako? May parlor ‘yung kaibigan ko, pero gusto na niyang bitiwan. Sa palagay n’yo, kung ako ang kukuha, kahit ang pinto nito ay nakaharap sa lubugan ng araw, hindi kagaya ng pinapasukan ko ngayon na nasisikatan ng araw, okey lang ba ito?


Dalawa na kasi ang dating pumuwesto rito na nalugi at kung kukunin ko at malugi ulit, ako na ang pangatlong malulugi sa puwestong ito, kaya bago ako umarya, naisipan kong kumonsulta muna sa inyo.


Ano sa palagay n’yo, dapat ko pa bang kuhanin ang nasabing parlor o ‘wag na lang? May 23 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Barbie ng Santa Rosa, Marilao, Bulacan


Dear Barbie,


Sabi ng mga eksperto sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ‘wag kang kukuha ng karelasyon o mapapangasawa na may kasaysayan ng “broken relationship” o ‘yung mga babae o lalaking maraming beses o paulit-ulit nang nahiwalay sa kanilang nakasama dahil hindi raw maganda ang ganu’ng karelasyon.


Nangyaring ganu’n dahil ang tendency, kaya maraming karanasan ng pakikipaghiwalay, hindi ang karelasyon niya ang may problema kundi ang sarili niya. Ang senyales kasi ng pagiging “immature” ng isang tao ay madalas na nahihiwalay sa mga nakakarelasyon nila. Ibig sabihin, malas sila sa pag-ibig at kapag sila ang nakarelasyon mo, malamang na tulad nila, mamalasin ka rin.


Pero sa personal kong palagay, hindi naman totoo na may malas sa pag-ibig. Bagkus, hindi pa lang natatagpuan ng isang taong laging bigo sa buhay ang eksakto at tamang katapat niyang babae o lalaki sa mundong ito, pero kapag natagpuan niya ‘yun, kailanma’y hindi na siya mamalasin, sa halip, dahil natagpuan niya ang kanyang “soulmate”, habambuhay na siyang liligaya.


Kailan mo naman matatagpuan ang iyong “twin heart” o soulmate? – Ay ang tanong na siyang araw-araw nating ipinaglilingkod sa mga artikulong ito.


Samantala, ano naman ang kaugnayan ng pag-ibig o pakikipag relasyon sa tinatanong ni Barbie kung dapat niyang kunin ang isang puwesto ng parlor na may dalawang nakakuha na noon o nagnegosyo sa puwestong ito, pero nalugi at ngayon ay ikaw naman ang kukuha o pupuwesto?


Hindi mo na ito dapat kunin dahil tulad ng naipaliwanag sa itaas, ang pangunahing rule ay: Kung ang isang puwesto ay hindi naman umaasenso at marami nang humahawak sa puwesto na ito, pero palaging nalulugi, sinumang magtinda o gumamit nito, huwag mo nang kunin ang puwestong ito dahil tulad nila, may tendency na malugi ka rin.


Unless na babaguhin mo ang pintuan o marami kang gagawing pagbabago o remodel ng nasabing parlor. Hinggil naman sa iyong lagda, dalawang pagbabago ang dapat mong ipatupad.


Una, sa halip na medyo patulis ang buntot ng letrang “J”, medyo bilugin mo upang ma-release nang todo ang iyong libido patungo sa pag-unlad at tuluy-tuloy na kaligayahan.


Pangalawa, dapat mong gawing straight line ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong apilido. Kung ayaw mo naman ng mahabang dulong bahagi ng letrang “a” sa kanyang pinakapaa, puwede namang buksan na lang ang bilog ng letrang “a”. Sumisimbolo ang bukas na bilog ng letrang “a” ng pansapo ng salapi at panghigop ng maraming-maraming materyal na mga bagay.


Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, kung maghahanap ka ng sarili mong parlor na nakaharap sa silangan ang pintuan, sa halip na sasapuhin mo ang isang parlor na marami nang umupa at nalugi, tiyak ang magaganap sa 2021, sa edad mong 33 pataas — unti-unti nang uunlad ang iyong career o negosyo, hanggang sa mapalago mo nang bonggang-bongga ang iyong parlor na hahantong sa tuluy-tuloy mong pag-asenso at pagyaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page