top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Balak na makipag-isang dibdib sa BF, sure na tuloy ang kasal

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 06, 2023



Dear Maestro,

Balak naming magpakasal ng boyfriend ko sa susunod na taon o kaya’y sa taong 2025. Halos 5 years na rin ang pagsasama namin. Nais ko malaman, Maestro, kung suwerte ba sa amin ang taong iyon, at anong buwan kaya magandang magpakasal? May 16, 1994 ang birthday ko habang August 29, 1989 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,

Odette ng Sagana, Laur, Nueva Ecija

Dear Odette,

Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Virgo naman ang boyfriend mo, tunay ngang tugma at compatible kayo, sapagkat ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinataglay, ito ang elementong earth o lupa.


Habang sa Numerology, ikaw ay may birth date na 16 o 7 (dahil ang 16 ay 1+6=7) sa destiny number na 8 (5+16+1994=2015/ 20+15=35/ 3+5=8). Kung saan, ang numerong 7 ay weak number habang ang 8 ay strong number. Ibig sabihin, balanse ang iyong pagkatao, na tugma sa numero na 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at destiny number 1 (8+29+1989=2026/ 20+26=46/ 4+6=10/ 1+0=1) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, bukod sa zodiac sign na Taurus at Virgo, tugma rin ang mga numerong inyong tinataglay.


Hinggil naman sa tanong mo na favorable o masuwerte ba ang pagpapakasal sa susunod na taon o kaya’y taong 2025? Positibo ang tugon, dahil ang taong 2024 ay may sumatotal na 8 (2024/ 20+24=44/ 4+4=8. At suweto rin sa boyfriend mo ang taong 2024, dahil sa taglay niyang numerong 2 at 1. Sa madaling salita, kayo na ang magkakatuluyan at kapag kayo ay nagsama ang inyong bubuuing pamilya ay panghabambuhay na uunlad at magiging maligaya.


Samakatuwid, compatible kayo ng boyfriend mo sa Astro-Numerology at sa susunod na taong 2024, puwedeng-puwede na kayong magpakasal, lalo na sa buwan ng Mayo, Setyembre, Oktubre at puwede rin sa Disyembre, basta ituon lamang ang mismong araw o petsa ng pagpapakasal sa panahong nasa first quarter o hindi kaya’y papabilog na buwan, upang ang itatayo niyong pamilya, kagaya ng papabilog na buwan sa kalangitan ay manatiling masagana, romantiko at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page