Search
  • BULGAR

Bakuna parating na, may COVID-19 parami naman nang parami, tsk-tsk-tsk!

@Editorial | January 13, 2021



Habang papalapit tayo sa bakuna, parami naman nang parami ang mga nagpopositibo sa COVID-19.


Isa sa sinasabing dahilan ay ang patuloy na paglabag sa minimum health protocols.


Sa ngayon, umaabot na sa mahigit dalawang libo ang naitatalang kaso kada araw.

Nadaragdagan din ang bilang ng mga namamatay.


Paanong hindi kakalat ang sakit, eh, balik sa normal na ang gawi ng iba sa atin. May mga nakakalimot magsuot ng face mask at face shield. Mayroon ding mga hindi maawat sa party. Kahit sabihing nasa loob ng bahay, todo-invite naman ng tropa.


Dumami rin ang mga pagala-gala, ganundin ang mga tambay sa lansangan.


Kapansin-pansin din na wala nang nag-iikot na mga pulis o taga-barangay sa ilang lugar.


‘Yung mga checkpoint, minsan na lang sa isang linggo kung pumoste, ‘anyare?


Bagama’t nagluwag nang bahagya, tayo’y nasa ilalim pa rin ng community quarantine. Kailangan pa rin nating magpatupad at sumunod sa mga panuntunan laban sa COVID-19.


Hindi tayo dapat magpakampante at umasa sa parating na bakuna. Mas mainam pa rin na umiwas at mag-ingat nang hindi mahawaan.


Samantala, habang naghihintay sa bakuna kontra COVID-19, dapat nasimulan na ng gobyerno ang malawakang information campaign. Ngayon pa lang ay dapat nang maliwanagan ang publiko sa bakuna upang hindi maunahan ng fake news.


Masasayang ang bilyun-bilyong pisong inilaan ng gobyerno para sa COVID-19 vaccine kung marami ang aayaw sa bakuna dahil sa kakulangan sa impormasyon at takot.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.