top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Baku-bakong kalsada, babala ng kabiguan at kalungkutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 5, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Linda ng Masbate.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa kalsada papunta sa bayan, hanggang sa may nadaanan akong bodega. Nagpatuloy ako sa aking paglakad, at may nakita na naman akong warehouse. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Linda

Sa iyo, Linda,


Depende sa kalsadang nilalakaran mo ang kahulugan ng panaginip mo. Kung ang kalsadang nilalakaran mo ay malinis, maganda at hindi baku-bako, ito ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran. Liligaya at susuwertehin ka sa buhay.


Kung pangit, marumi at baku-bako ang kalsada ito ay senyales ng kalungkutan at pagkabigo.


Samantala, may iba't ibang ding kahulugan ang bodega. Kung ikaw ay negosyante, ito ay nangangahulugang susuwertehin ka sa negosyo, at magtatagumpay ka. Kung ikaw naman ay may balak mag-asawa ito na ang sign na makakapag-asawa ka ng mayamang tinitingala sa lipunan.


Kung ikaw naman ay magsasaka, may bukid na pinagkakakitaan, mas magiging maganda ang ani niyo. Malulusog ang mga tanim at marami kayong aanihin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page