Bakit walang 13th floor ang mga hotel at iba pang gusali?
- BULGAR

- Oct 10, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 10, 2020

Kung sa pagsakay mo sa isang elevator ng isang high-rise hotel, napansin mong minsan ay walang nakasulat na ika-13 palapag. Sa kabila ng sinasabi ng marami na malas daw ang numero 13, wala naman itong kinalaman sa building codes o rekisitos sa mga konstruksiyon. Ito ay dahil na rin sa mapamahiing paniniwala hinggil sa numero 13.
1. KRISTIYANONG PINAGMULAN.
Sa mga Kristiyano, ang numero 13 ay kinokonsiderang malas. Ito ay nag-ugat sa Kristiyanismo sa Huling Hapunan, kung saan may 13 disipulo. Ang ika-13 sa kanila ay si Hudas na tumaraydor kay Hesus, ayon sa Bibliya.
2. ORIGIN MULA SA VIKING.
Sa mitolohiya ng Norse ay may papel din ito hinggil sa naturang pamahiin. Si Loki ang diyos ng kapahamakan ay nagplano para patayin si god Balder, ang ika-13 diyos ng Norse pantheon. Isa ring pamahiin ng Norse kapag nabuo sa 13 ang isang grupo, isa sa kanila ay mamamatay sa sumunod na taon.
3. ANG EPEKTO SA MERKADO.
Isang dahilan kung bakit ang ika-13 palapag ay nilalampasan sa hotel ay dahil na rin sa ‘marketability.’
Kapag kasi nagbu-book sa hotel room, ang isang mapamahiing bisita ay maaring mag-request na hindi mapanatili sa ika-13 palapag dahil sa takot na baka malasin. Kaugnay nito, maraming hotels ang simpleng inaalis ang 13th floor na numero sa elevator at pinapalitan ng ibang pangalan upang masunod ang bagay na ito.
4. TRISKAIDEKAPHOBIA.
Ang salitang ito ay ibig sabihin, “Takot sa numero 13.” Pareho rin ito kung saan takot sa Biyernes 13. Noong Middle Ages, ang parehong Biyernes at numero 13 ay kinokonsiderang malas. Ngayon, ang pamahiin na ito ay nauugnay sa horror movie na “Friday the 13th.”
5. ANG IBA PANG MALAS NA NUMERO.
Ang ibang kultura ay kinokonsiderang ang iba’t ibang numero ay malas. Halimbawa, sa mga Hapones, ang numero 4 ay parang pareho sa salitang “death” at kaya ito’y kanilang iniiwasan. Sa Italya, ang numero 17 ay kinokonsiderang malas, dahil ang Roman numerals ay hindi nakaayos, ini-spell nito na “I lived” sa Italyanong salita.








Comments