top of page

Bakit tinawag na reinvented ang Paskong tradisyon sa ‘Pinas?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 6, 2020




Ang pinakamalaking event kung saan may ilang milyong Overseas Filipinos ay nami-miss nang sobra ay itong Pasko na tradisyunal na idinaraos sa estilong Pinoy pero ngayong pandemya ay tutukuyin na lamang natin muna ang kasaysayan ng Pasko habang bawal pa ang pagsasama-sama ng marami. Ang ating bansa ay may 85% Kristiyano, idinaraos ang Pasko nang mas mahaba pa sa pagdiriwang ng ibang bansa sa mundo.


Ang mga Europeo at iba pang Anglo-Saxon Americans ay may 12 araw lang na Pasko (mula Dis. 24-Enero 6), na pinagmulan ng awiting "The Twelve Days of Christmas."


Subalit ang pagdating ng mga Kastilang misyonero sa bansa ang nagdagdag ng siyam na araw na novena at misa sa madaling araw mula Dis. 16-Dis 24, kung kaya humahaba ng hanggang 21 araw ang Kapaskuhan sa Pilipinas.


Habang nagsisimula ang mga Amerikano na maghanda sa Pasko, isang araw matapos ang Thanksgiving sa huling Huwebes ng Nobyembre, ang estilong Pasko nila ay pawang komersiyal o negosyo.


Kung ikukumpara ang tradisyon ng Pinoy sa kultura at kostumbre tuwing Pasko sa mga Amerikano, mayroon tayong “reinvented” tradition.


Ipinakilala ng mga Kastila ang Pasko sa bansa bilang Katolikong ritwal, matapos ang taong 1565 nang magbalik ang mga Kastila para ikolonisang pormal ang Pilipinas. Ito ay nangyari 44 taon matapos na ipakilala ni Fernando de Magallanes ang Kristiyanismo sa bansa noong 1521.


Gayunman, nabigo si Magallanes na ikolonya ang bansa dahil napatay siya sa isang digmaan sa isla ng Cebu noong Abril 1521.


Ang Augustinian religious order ay nagpadala ng pari noong 1564 expedition nang ikomando ito ni Miguel Lopez de Legazpi, na pinangalanan ang archipelago nang dumating si King Philip II (1527-1598).


Noong 1577, ang Franciscan missionaries ay dumating sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang Kristiyanismo. Ang Jesuits ay dumating sa bansa noong 1581.


Dumating ang mga Dominicans sa Pilipinas noong 1587. Ang ilang Pinoy historians, ay nagsabi na ang unang Pasko sa bansa ay idinaos ng 200 taon na ang nakaraan bago nadiskubre ni Magellan ang bansa noong 1521.

Ayon sa historians, ang Pasko ay ipinakilala sa bansa sa pagitan ng 1200 AD at 1320 AD. Aniya, sa pagbalik sa Italya, ang Italyanong pari na nagngangalang Fray Odoric ay nagdaraos ng misa (Dis. 25) sa pampang ng Pangasinan.


Ang mga sinauna sa Pangasinan ay naging palakaibigan nang kanilang mapagtanto na wala namang mawawala sa ganito.


Isang Christmas tree ang itinanim sa tabi ng itim na krus. Si Father Odoric umano ang nagsimula ng unang Christmas mass sa bansa.


Gayunman, walang ibang sekondaryang sources na kumukumpirma na may Fray Odoric na nagmisa. Isa ring kasaysayan na sabi sa isla ng Samar nagdaos ng unang misa sa Pilipinas o Samaria sa Bibliya kung saan umano si Hesukristo ay nangangaral. At sabi sa Biblikal na kasaysayan si Apostol Tomas ay bumisita sa isla ng Samar matapos ang misyon sa western coast ng India. Sinasabi rin nila na isa sa nawawalang tribu ng Israel ay nanirahan sa Samar.


Ang 9 na novenang tradisyon at simbang gabi ay nagsimula sa panahon ni Pope Sixtus (1521- 1590), na isang papa noong Abril 24, 1585-Aug. 27, 1590. Si Pope Sixtus V ang nagre-organisa ng papal curia, isang sistema na nanatili ng 21 siglo. Iniatas niya na lahat ng bishops ay magsagawa magtaunang pilgrimages sa Roma. Ang unang bishop na natalaga sa Pilipinas ay isang Dominican monk na si Fray Salazar noong 1581 at nagsimula ng pilgrimages sa Roma simula noong 1586.

Ang 9 na araw na tradisyon ng Simbang Gabi ay sinimulan sa ilalim ng pamamahala ng Kastilang hari na si Philip II, na hari noong 1556-1598. Ito ang panahon nang maharap sa digmaan ang Espanya, simula 1588 kasama ang Protestanteng Inglatera.


Ang pagdiriwang ng mga Spanish Armada ay nangyari noong 1588 nang matapos ang digmaan kontra Inglatera noong 1605, anim na taon matapos mamatay si Philip II.


Ang 9 na araw na novena at Simbang gabi ay naging paraan ng mga paring Kastila na naatasan sa Pilipinas na parangalan si Pope Sixtus V. Si Pope ay isinilang noong Dis. 13, 1521 sa parehong taon nang madiskubre ni Fernando de Magallanes ng emperyo ng Kastila ang arkipelago ng Pilipinas. Ang orihihinal na pangalan ng papa ay Felice Peretti

At tanging paring Kastila sa bansa ay nagbabatian sa araw ng Pasko ng Feliz Navidad.


Noong ika-18 siglo ang Kastila at Inglatera ay muling nagdigma. Kaya napadpad ang mga Briton sa Manila mula 1762-1764. Dahil dito nabahiran din ng Kanluraning ugali ang Pilipinas sa selebrasyon ng Pasko. At maaaring ang mga kawal Briton na rin ang nagturo ng Ingles na awiting ‘The Twelve Days of Christmas’ sa mga Pinoy at iba pang awiting Pamasko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page