Bakbakan na sa c'ship round ng NAASCU
- BULGAR
- Dec 13, 2023
- 2 min read
ni Anthony Sevinio @Sports | December 12, 2023

Photo : NAASCU
Isang laro lang ang kakailanganin upang malaman ngayong araw ang mga kampeon ng 215 National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Super Finals hatid ng Game of the Immortals sa FilOil EcoOil Centre. Hahanapin ng defending champion St. Clare College of Caloocan ang kanilang ika-anim na sunod na kampeonato at kabuuang ika-pito ng paaralan laban sa determinadong Our Lady of Fatima University sa tampok na laban ng 12:00 ng tanghali.
Nagbigay ng patikim ang Saints sa elimination round sa tapatan nila ng Phoenix, 59-51, noong Nobyembre 15. Bumanat ng 26 puntos si Ahron Estacio at tiyak na siya muli ang aasahan kasama sina Megan Galang, Ryan Sual, Charles Burgos at Babacar Ndong.

Sa panig ng Fatima, itatapat nila sina Mamadou Toure, Ace Tiamzon, Andrei Romero, Rodman Templonuevo, Charles Tecson at Gab Gotera upang maiganti ang kanilang nag-iisang talo ngayong taon. Matatandaan na nagharap ang dalawang paaralan para sa kampeonato noong 2016 at handa muling magtagisan ang mga coach na sina Jinino Manansala Sr. ng Saints at Ralph Emerson Rivera ng Phoenix.
Bago noon, ipagtatanggol ng St. Clare ang titulo sa Juniors Division kontra New Era University sa 9 a.m. Bahagyang paborito ang Junior Saints sa bisa ng kanilang 75-74 lusot sa Junior Hunters sa huling laro ng elimination round noong Nob.23.
Magtatagisan din ang defending Women's champion Enderun Colleges at Fatima sa 7 a.m. na parehong koponan na naglaban noong huling ginanap ang laro ng kababaihan noong 2019. Perpekto sa apat na korona ang Lady Titans buhat noong unang lumahok sila sa liga noong 2016.nagdala kay Avelar upang dumepensa na lamang. Nagdulot ito ng malulutong na koneksyon sa mukha at katawan ng Mexican boxer.








Comments