top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Baka dumating ang panahon, uling na lang ang gamitin ng mamamayan sa pagluluto

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 5, 2023


P1-M PABUYA SA SINUMANG MAKAKAPAGTURO SA KINAROROONAN NG MGA WANTED NA SCAMMER– May mga tao na ang titibay ng sikmura na ipakain sa kanilang pamilya ang perang nagmula sa panloloko nila sa kanilang kapwa.


Tulad nitong mag-asawang Lorenzo at Jerlyn Joyce Baltonado at kasabwat nilang si Michelle Lim, na nagkamal ng salapi mula sa raket nilang investment scam sa Cebu.


Kabilang sa nabiktima nila ay si businessman Kaiser Christopher Tan na natangayan ng P200-M, isang “Majo” na natangayan ng P21-M at marami pang iba.


Dahil ayaw nang magpakita sa kanilang mga biniktima, kaya nagpasya na si Tan na sampahan ng kasong large scale estafa ang mag-asawang Lorenzo at Jerlyn Joyce Baltonado at kasabwat nilang si Michelle Lim at ngayon ay may warrant of arrest nang inisyu laban sa kanila si Judge Judilyn Tapia-Menchavez ng Toledo City Regional Trial Court.


Sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng tatlong scammer na ito ay may pabuyang P1-M na matatanggap mula kay Kaiser Christopher Tan, tumawag o mag-text lang sa mga numerong 09369438611 at 09568135463.

◘◘◘


MAS INATUPAG KASI NI VP, DEPED SEC. SARA MAGKA-CONFIDENTIAL FUNDS KAYSA HUMIRIT NG PONDONG PAMPAGAWA NG MGA ISKUL—Sabi ni Vice President, DepEd (Department of Education) Sec. Sara Duterte-Carpio na ang malaking problema ngayon ng edukasyon sa bansa ay ang kakulangan ng mga paaralan.


Kung pagkaupo niya bilang kalihim ng DepEd ay inatupag niya ang paghirit ng karagdagang pondo bilang pampagawa ng mga karagdagang iskul, eh ‘di sana ay nauumpisahan na ngayon ang pagpapagawa ng mga dagdag-paaralan. Ang problema, hindi niya naisip ito dahil ang inatupag niya at ang inihirit niya sa DBM (Department of Budget and Management), Kongreso at Senado, ay ‘yung magkaroon siya ng confidential funds na P500-M sa Office of the Vice President (OVP) at P150-M sa kanyang tanggapan sa DepEd. Boom!

◘◘◘


SA DAMI NG KORUP SA ‘PINAS, DAPAT HINDI NA ITULOY ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND—Sa data na inilabas ng Transparency International, sa 195 bansa sa buong mundo, pang-33 ang Pilipinas sa may pinakamaraming korup na pulitiko at gov’t officials.


Kaya ‘yung gusto ng pamahalaan na Maharlika Investment Fund na popondohan ng P250-B, eh hindi na dapat ituloy ‘yan. Sa dami ng mga kurakot na politicians at gov’t officials sa bansa, mas malamang na kurakutin lang ‘yan, period!

◘◘◘


MAHAL ANG LPG, MALAKI RIN ANG KONSUMO SA ELECTRIC STOVE, KAYA BAKA MAG-ULING NA LANG ANG MAMAMAYAN SA PAGLULUTO—Sakit-ulo ngayon ang mamamayan kung ano ang gagamitin nila sa pagluluto ng makakain. Sa sobrang laki ang itinaas sa kada tangke ng LPG, higit P100 ang nadagdag at kung electric stove naman ang gagamitin, malaki rin ang babayaran sa konsumo sa kuryente dahil last month, inumpisahan na ng Meralco ang taas-singil sa konsumo ng kuryente.


Hay naku, kapag ang taas-presyo sa LPG at taas-singil sa kuryente, eh, baka dumating ang panahon, uling na lang ang gamitin ng mamamayan sa pagluluto ng tsibog. Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page