Baka dumating ang panahon, pati tubig ay i-import na rin?
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 27, 2023
KATANGAHAN ANG PAGSUNOD NG 6 SUNDALONG TAUHAN NI GEN. DURANTE NA PATAYIN SI YVONNE — May katangahan din ang anim na sundalong tauhan ni former PSG (Presidential Security Group) commander, Gen. Jesus Durante na nasangkot sa pagpatay kay former model/businesswoman Yvonne Chua Plaza na karelasyon ng heneral na ito.
Nasabi nating may katangahan dahil alam naman nilang no bail ang kasong murder, tapos sumunod sila sa utos ni Gen. Durante na gumawa ng karumal-dumal na krimen, at ito ay ang pagpatay kay Yvonne dahil nagselos (crime of passion daw ito, ayon sa PNP at NBI) ang amo nilang heneral.
Mantakin n’yo, ang ligaya sa pakikipagrelasyon kay Yvonne ay si Gen. Durante lang nagtatamasa, tapos kasama sa dusa ang anim na sundalong ito dahil sumunod sila sa maling utos, tsk!
IBINIDA NG DA NA BABABA ANG PRESYO NG SIBUYAS, FAKE NEWS! — Ibinida ng DA (Department of Agriculture) na kapag dumating sa Pilipinas ang in-import nilang 5,000 tonelada ng sibuyas ay magmumura na ang presyo nito, puwede raw maging P50 hanggang P80 per kilo.
Ang ibinidang ito ng DA ay fake news pala, kasi dumating na sa bansa ang in-import na sibuyas, pero nang ibenta ito sa merkado, pumapalo pa rin sa P200 hanggang P300 ang per kilo, buset!
‘PINAS, BAKA MAG-IMPORT NA RIN NG TUBIG? — Nangangamba ang MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) na baka kapusin sa supply ng tubig ang bansa sa year 2024.
Naku po, kapag nagkatotoo ‘yan ay baka mangyari, hindi lang sibuyas, bigas, bawang, asukal, asin, galunggong ang i-import ng gobyerno, kundi pati tubig ay i-import na rin, boom!
MAY GO-SIGNAL BA NINA MAYOR SOTTO, MAYOR TEODORO, MAYOR ABALOS AT MAYOR ZAMORA ANG STL-CON JUETENG OPERATIONS SA KANILANG MGA LUGAR? — Hanggang ngayon ay walang aksyon sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at San Juan City Mayor Francis Zamora para ipa-stop ang raket na STL-con jueteng nina ‘Kits’ at ‘Egay’ sa kanilang mga nasasakupan.
Ibig kayang sabihin nito ay may go-signal ng apat na alkaldeng ito ang operasyon ng STL-con jueteng kaya ‘dedma’ lang sila sa ganitong uri ng sugal sa kanilang mga jurisdiction? Tsk!





Comments