top of page
Search
  • BULGAR

Bagyong Julian, palabas na ng ‘Pinas

ni Twincle Esquierdo | August 30, 2020


Ayon sa Pagasa, makararanas ng pag-ulan dala ng habagat ang ibang lugar sa Pilipinas ngayong gabi.

Huling namataan ang bagyong Julian sa 775 kilometro silangang bahagi ng Tuguegarao City sa Cagayan kaninang alas-3 ng hapon.

Ayon pa sa Pagasa asahang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Julian, Lunes ng gabi o umaga ng Martes.

Dagdag pa nila sa paglabas ng bagyo ay makararanas pa rin ng pag-ulan dala ng habagat ang Luzon, Metro Manila, Western Visayas at Samar provinces.

Wala ring itinaas na gale warning sa mga baybayin ngunit binalaan ang publiko laban sa paglalayag lalo na sa Luzon at eastern Visayas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page