top of page
Search

by Info @News | October 19, 2025



 Bagyong Ramil / Coast Guard District Southern Tagalog

Photo: Coast Guard District Southern Tagalog



Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 22,311 na indibidwal o 7,884 na pamilya ang nailikas na nila mula sa mga lugar sa Calabarzon at Region 5 dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Ramil.


Kasabay nito ay mayroon ding 39 na seaport na pansamantalang itinigil ang operasyon dahilan para ma-stranded ang ilang pasahero at sasakyang pandagat.


Idinagdag din nila na nasa 3,242 pasahero, 1,050 cargo, anim na vessel, at pitong bangka ang kasalukuyang stranded.

 
 

ni Mai Ancheta @News | July 22, 2025



Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na dala ng Habagat, tumaas ang tubig-baha sa ilang lugar sa Valenzuela City, partikular sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa BBB sa Brgy. Marulas. (Maeng Santos)

Patuloy na makararanas ng tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat hanggang sa Huwebes sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.


Ito ang pagtaya ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa harap ng walang patid na pag-ulan simula nitong weekend kahit nakaalis na ang Bagyong Crising.


Ayon sa PAGASA, bukod sa Metro Manila, mararamdaman din ang mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at ilang bahagi ng Ilocos Region.

Patuloy na mararamdaman ang malakas na pag-ulan simula Lunes hanggang Martes sa National Capital Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Rizal.


Nitong Lunes, nakaranas ng mga pagbaha ang maraming lugar sa Metro Manila kaya nag-alok ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) partikular sa MRT 3, LRT 1 at 2.


Nag-deploy naman ng bus at truck ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa libreng sakay sa rutang Quiapo hanggang Angono, Rizal; Quiapo hanggang Fairview, Quezon City; at Lawton hanggang Alabang, Muntinlupa City. 


Samantala, sa ibang lugar sa bansa, umabot na sa lampas-tao ang baha na nagdulot ng pagkawasak ng mga bahay at ari-arian.

 
 

ni Angela Fernando @News | Oct. 6, 2024



News Photo

Umabot sa lima ang nasawi at 317,671 katao ang apektado sa hagupit ng bagyong Julian, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo.


Nangangahulugan itong may kabuuang 97,871 pamilya mula sa 912 barangay sa buong 'Pinas ang naapektuhan ng bagyo. Batay sa pinakahuling datos mula sa NDRRMC, apat ang naiulat na nasawi sa Ilocos Region at isa naman sa Cagayan.


Samantala, nananatili sa walo ang bilang ng mga nasugatan, habang isa ang nawawala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page