top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagyo at tigil-pasada, wa' epek sa 'pork politicians' na sipsip kay P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 24, 2023


HANGGA'T WALANG NAHIHIKAYAT NA DAYUHANG MAGNEGOSYO SA ‘PINAS, TIGILAN NA MUNA NI P-BBM ANG FOREIGN TRIPS KASI NASASAYANG LANG ANG KABAN NG BAYAN — Pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (P-BBM) ngayong araw, magtutungo bukas ang Presidente kasama ang sandamakmak niyang economic team at miyembro ng Gabinete sa Malaysia para manghikayat ng foreign investors. Sana naman, hangga't wala pang foreign investors na nahihikayat para magtayo ng negosyo sa ilalim ng Marcos admin ay iwas-iwasan muna ni P-BBM na maglabas-masok ng bansa kasi nasasayang lang ang ginagasta nila mula sa kaban ng bayan sa kabibiyahe nila sa iba't ibang bansa, tapos wala naman silang nakukumbinsing magnegosyo sa ‘Pinas, boom!

◘◘◘


MAY BAGYO AT TIGIL-PASADA MAN, PANINIPSIP NG MGA PORK BARREL POLITICIANS SA SONA NI P-BBM, TULOY PA RIN—Sasabayan ng bagyo at tigil-pasada ang SONA ni P-BBM ngayong araw.


Gayunman, hindi kayang pigilan ng bagyo at tigil-pasada ang gagawing pagpalakpak ng mga pork barrel politicians para makapagsipsip sa Presidente sa bawat litanyang bibigkasin ng Pangulo sa kanyang SONA, period!

◘◘◘


EX-P-DUTERTE, SANAY MAKINIG NG FAKE NEWS, SI EX-VP LENI HINDI — Parehong binigyan ng imbitasyon ng Malacañang sina ex-P-Duterte at ex-VP Leni Robredo sa ikalawang SONA ni P-BBM, at kung ang dating Presidente ay nangakong dadalo, inisnab naman ng dating Bise Presidente ang imbitasyon.


May punto si ex-VP Leni na hindi dumalo sa SONA kasi nilalabanan ng dating Bise ang misinformation at alam naman ng karamihan na isa sa nagpanalo kay P-BBM ay ang fake news tulad ng pamimigay ng Tallano gold, free electricity sa mamamayan at P20 per kilo ng bigas, at sa pagdalo naman ni ex-P-Duterte, ay alam naman ng publiko na kaya dadalo ang ex-President sa SONA ay dahil hilig nito na makinig ng mga misinformation o fake news, boom!

◘◘◘


INTELLIGENCE NETWORK NINA GEN. GACES AT COL. DE CHAVEZ, MAHINA? – Hindi lang pala pagnanakaw ng krudo sa mga oil tanker sa national highway ng Bgy. Balagtas, Batangas City ang raket ng "Paihi Gang" ni alyas "Rico" kundi ito rin daw ang nagbibigay proteksyon at nanghihingi ng "tongpats" o payola sa iba't ibang uri ng raket sa Batangas tulad ng color games at drop balls ni "Aling Tessie" at mga STL-bookies at lotteng nina "Virtucio", "Ineo" at "Indo" sa San Jose; "Nelson" at "Salud" sa San Juan; "Caraig" at "Chuidian" sa Nasugbu; "Austria" sa Rosario; "Jojo" at "Alex" at "Lito" sa Sto. Tomas; "Richard" sa Talisay; "JR" sa Balayan; "Peping" sa Calaca; "Morcilla" sa Malvar; "Inandan" at "Ilat" sa San Pascual; "Villanueva" sa Mabini; "Clint" sa Taysan; "Acebo" sa Ibaan; "Randy" sa Mataas na Kahoy; "Togs" at "Eming" sa Alitagtag at Cuenca; "Allan" at "Carling" sa Lipa City: "Biscocho," at "Lito" sa Tanauan City at may pa-jueteng din sa mga barangay ng lungsod na ito sina alyas "Ocampo" (Bgy. Bagbag); "Kancio" at "Dama " (Brgy. Ulango); "Obet" at "Ed" sa Bgy. Ambulong; "Angel" (Bgy.Pantay) "Kanor" (Bgy. Luyos) at "Teryo" (Bgy. Banadero).


Kung ang mga raket na ito ni "Rico" ay hindi alam nina PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces at Batangas PNP Director, Col. Reniero de Chavez, isa lang ibig sabihin n'yan, mahina ang intelligence network ng dalawang police officials na ito, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page