Bagong PNP Chief, palaban kontra droga, dedma sa sugal?!
- BULGAR
- Apr 26, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 26, 2023
DAHIL WALANG NABANGGIT SI PNP CHIEF GEN. ACORDA LABAN SA ILLEGAL GAMBLING, NAGLULUNDAG SA TUWA ANG MGA GAMBLING LORDS—Sa statement ni newly appointed Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Benjamin Acorda, paglaban lang sa illegal drugs ang kanyang tututukan at wala siyang nabanggit na lalabanan niya ang illegal gambling.
Dahil pagsugpo lang sa droga ang nabanggit ni Gen. Acorda, tiyak na naglulundag sa tuwa ang mga gambling lords at dahil d’yan, asahan nang lalong dadami ang iba’t ibang uri ng illegal gambling sa ‘Pinas, buset!
◘◘◘
ONLINE ILLEGAL GAMBLING AT ONLINE SABONG, TULOY PA RIN—Bukod sa mga online gambling na ‘PhlWin’ at ‘PhiLucky’ ay naglipana na naman ang mga website ng online sabong.
Ang ‘PhlWin’ at ‘PhiLucky’ ay parehong online illegal gambling, ngunit nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon. Habang ang online sabong naman na ipinatigil ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay back to business na.
Dapat umaksyon ang pamahalaan para matigil na ang mga gawaing ito at hindi na makapambiktima pa ng mga mamamayan, period!
◘◘◘
SANGKATERBA ANG MGA TRAPONG GAMBLING LORDS SA MGA LALAWIGAN—Sa pagdinig sa Senado tungkol sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, nabulgar na ang trapo (traditional politician) na si suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. ang may pasugalan na online sabong at Small Town Lottery (STL)-con jueteng sa lalawigan.
Mantakin n’yo, ibinoto ng mga taga-Negros Oriental si Cong. Teves sa pag-aakalang maglilingkod ito sa kanyang mga kababayan, ‘yun pala ay magtatayo lang ng mga raket na pasugalan para biktimahin kanyang mga kababayan.
At sa totoo lang, hindi lang naman si Cong. Teves ang gambling lord na pulitiko kundi marami pang trapo na nag-finance ng mga pasugalan sa kanilang mga nasasakupan, mga buset!
◘◘◘
PAYAGAN KAYA NI MAYOR ALONG MALAPITAN NA MAGKA-STL-CON JUETENG SA CALOOCAN CITY?—May mga gambling lords daw ang magkakasosyo para mag-operate ng raket nilang STL-con jueteng sa Caloocan City.
Ang tanong, papayagan ba ni Mayor Along Malapitan na makapag-operate ang STL-con jueteng sa Caloocan City? Abangan!





Comments