top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bagong pirma at tamang paggamit ng lucky color, paraan para makasampa sa barko

  • BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 7, 2022

Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil sa kasalukuyan, ako ay nag-a-apply sa barko, pero hindi pa ako tinatawagan ng agency at puro pangako lang ang nangyayari. Nais kong malaman kung matutuloy pa ba ako?


‘Yung iba ko kasing mga kasamahan ay nakakadalawang balik na, samantalang ako, kahit isang beses ay hindi pa nakakasampa.


Ano ang dapat kong gawin para tulad nila ay suwertehin din ako sa pagbabarko? August 1, 1994 ang birthday ko.


Umaasa,

Ram ng San Carlos, Naujan, Oriental Mindoro


Dear Ram,


Madali lang ang paraan para matuloy ka sa pagbabarko, at ang una mong dapat gawin ay baguhin ang iyong lagda.


Napansin mo ba ang huling stroke o ending ng iyong lagda, na bukod sa magulo ay pababa pa ito? Hindi maganda ang ipinapahiwatig ng ganyang pirma, sa halip, ang dapat mong gawin ay tapusin nang paitaas sa direksyong kanan ang huling stroke o pinakapaa ng letrang “a” sa dulong bahagi ng iyong lagda. Sa ganyang paraan, kapag binago mo na ang iyong pirma, makikita at mararamdaman mo na kusa nang papabor sa iyo ang magagandang kapalaran na matagal mo nang inaasam-asam.


Samantala, ang birth date mo namang 1, sa zodiac sign na Leo ay nagsasabing, numerong uno o one (1) talaga ang namamayani sa iyong personalidad. Ibig sabihin, anumang sandali mula ngayon, sa oras na binago at pinaganda mo na ang iyong lagda, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


Ibig sabihin, dahil 1 ang birth date mo at ang zodiac sign na Leo ay may ruling planet na Sun at 1 rin ang kanyang numero, nangangahulugan ito na ang lahat ng sadlakang pangyayari at kapalaran ng numerong 1 ay magaganap at iimpluwensya sa iyong karanasan at kapalaran.


Kaya simula sa araw na ito, sa sandaling sinuot at ginamit mo ang mapalad na kulay para sa mga Taong Uno na yellow o dilaw, na siya ring kulay ng Haring Araw, tulad ng umagang kay ganda, magniningning na rin nang ubod ng liwanag ang iyong karanasan.

Bukod sa pagsusuot ng kulay na dilaw, secondary color mo naman ang berde o green, habang ang mga numero na naiimpluwensyahan ng planetang Moon, na nagtataglay ng birth date o destiny number na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, ay silang mga nilalang na palaging magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.


Hindi ba, kapag walang araw sa pagpatak ng hating gabi, ang magsisilbi namang tanglaw sa daigdig ay ang buwan at kapag nawalan naman ang buwan, ang araw ang magbibigay-liwanag sa mundo?


Ibig sabihin, kapag ang Sun personality na tulad mo ay nagkaroon ng partner na may Moon personality, hindi na mawawalan ng liwanag at pagpapala ang inyong samahan habambuhay.


Samantala, bukod sa mga taong may birth date at destiny number na 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, mapalad ka rin sa mga nilalang na nagtataglay ng mga zodiac sign na Aries, Sagittarius, Aquarius at kapwa mo Leo.


Sa sanadaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyon na inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2022 at sa edad mong 28 pataas dahil may mabunga at masaganang pagbabarko na itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page