“Bagong Pilipinas” ni P-BBM, smugglers, drug at gambling lords, namamayagpag
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 18, 2023
LAGAPAK ANG KALIDAD NG PAMUMUHAY NG PINOY SA TANDEM NA BBM-SARA -- Sa data na inilabas ng Numbeo.com na nakabase sa Serbia patungkol sa quality of life o kalidad ng pamumuhay ng mga tao sa 84 na bansa sa buong mundo ay lagapak sa rank 78 ang Pilipinas.
Ibig sabihin n’yan ay maraming naghihikahos na Pinoy sa bansa, kaya ‘yung campaign slogan nina Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at Vice Pres. Sara Duterte-Carpio noon na “Babangon ang Pilipinas” sa tambalang BBM-Sara ay pang-uunggoy lang sa publiko, kasi nga hindi naman bumangon at sa halip, lumagapak ang ‘Pinas, boom!
◘◘◘
SANDAMAKMAK ANG SMUGGLERS AT GAMBLING LORDS SA ‘BAGONG PILIPINAS’ -- Hanggang ngayon ay walang aksyon ang Marcos administration laban sa sandamakmak na smugglers at gambling lords sa bansa.
Ibig sabihin, sa ibinibida ni P-BBM na “Bagong Pilipinas” ay may sandamakmak na smugglers at gambling lords, buset!
◘◘◘
MATAGAL NA PANAHONG PANGRARAKET NINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’ SA MAYNILA MATATAPOS NA KAPAG NAGING MAYORA NA SA MAYNILA SI IMEE MARCOS -- May mga naglalabasang isyu ngayon sa social media na sa 2025 midterm elections ay kakandidato raw si Sen. Imee Marcos sa pagka-alkalde ng Maynila para labanan si incumbent Manila Mayor Honey Lacuna.
Malamang sa ngayon ay kakaba-kaba na sina “Bookies King Boy Abang at Bookies Queen Lorna” kasi kapag si Imee Marcos na ang mayor ng Maynila ay baka d’yan na matapos ang matagal na panahong pangraraket nila sa mga Manileno, period!
◘◘◘
PARAK ANG ‘TONGPATS COLLECTOR’ SA CALABARZON -- Nawala na raw sa eksena si “Billy Joe” at ang pumalit na sa kanya bilang “tongpats collector” sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) ay ang nagpapakilalang pulis na si alyas “Tsan Parak”.
Dapat paimbestigahan ni PNP-Region 4-A Director Gen. Carlito Gaces kung totoong pulis si “Tsan Parak” at kung siya nga ay pulis, aba’y dapat “ipa-tokhang” na niya agad ito kasi bad sa paningin ng publiko na may isang pulis na nanghihingi ng payola sa mga gambling lords sa CALABARZON, boom!





Comments