Search
  • BULGAR

Bagong guidelines ng SSS sa pagkuha ng retirement benefit, alamin!

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 29, 2020




Hello, Bulgarians! Naglabas ng bagong guidelines ang Social Security System (SSS) sa online filing ng kanilang retirement claim applications (RCAs) para sa mas pinadali at mas safe na transaction ng mga miyembro.


Sa inilabas na SSS Circular No. 2020-018 na pinirmahan ni SSS President and CEO Aurora C. Ignacio, mas pinalawak pa ang option at coverage ng online RCA submission gamit ang My.SSS web portal at www.sss.gov.ph at dinamihan pa ang bank option para sa pagbibigay ng retirement benefits.


“Ang goal natin dito kasama ang digital transformation ng ahensiya ay mas pagandahin pa ang serbisyo para sa mga stakeholders tulad ng pagiging accessible nito sa technology. Dahil ang teknolohiya ang isa sa mga kinailangan natin ngayong COVID-19 pandemic at susunod pang taon,” sabi ni Ignacio.


Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga miyembro o empleyadong nasa edad 60 hanggang 64 at hiwalay sa kanilang employment maliban sa underground/surface mineworkers at racehorse jockeys ay maaari ng magsumite ng RCA sa online.


Bukod pa rito, qualified din sa bagong guidelines ang mga miyembrong may edad 65 na nakapagpasa na ng RCA online effective September 2015 at mga OFW at voluntary member na may edad 60 simula noong December 2018.


Hinihikayat ang mga miyembro na mag-register sa My.SSS web portal sa SSS website at kinakailangan na may enrolled disbursement account sa SSS gamit ang Bank Enrollment Module (BEM).


Para maging qualified, kinakailangan na nakapagbayad ng 120 monthly contribution, monthly pension o kahit isang monthly contribution, lump sum benefit; hindi kanselado ang SS number; walang outstanding Stock Investment, Privatization, Educational o Vocational Technology loan balance; walang dependent na anak; kung hindi underground/surface mineworkers at racehorse jockeys at hindi self-employed member na may edad 65 pababa.


Samantala, para naman sa mga underground/surface mineworkers at racehorse jockeys at self-employed, kinakailangan na isumite ang benefit application sa SSS branch dahil may iba pa itong kailangang dokumento.


Ibibigay ng SSS ang retirement benefit gamit ang Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na enrolled as ATM. Kung wala nito, maaari rin nilang makuha gamit ang BEM tulad ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks, Union Bank of the Philippines Quick Card, electronic wallets at remittance transfer companies/cash payout outlets.


Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa SSS hotline 1455 o Interactive Voice Response System sa 7917-7777. Maaari ring i-follow ang kanilang Facebook page sa Philippine Social Security System.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.