top of page

Bago pa magkademandahan, tips para mabalanse ang galit at hindi makasakit ng kapwa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 2, 2021




Sa ating buhay hindi maiiwasang sapitin natin ang mga pagdurusa at kalungkutan, maging ang kabiguan. Maging sa panahon man ng pagkamatay ng mahal sa buhay, pakikipagtalo sa asawa o sa kaanak o maging sa ibang tao ay pawang karaniwan at normal na bahagi ng buhay.


Ilan na bang mga insidente ang nabalitaan natin na kapag may nakakagalit ang tao sa kanilang loveones ay kanilang sinasaktan ang mga ito o kaya ay kinikitil ang buhay.


Relaks lang, maging mahinahon at mapagpasensiya. Kadugo mo iyan at sila ang mga taong magiging kakampi mo balang-araw at hindi dapat na saktan o buwisan ng buhay dahil lamang sa mga bagay na hindi napagkakasunduan.


1. Paligiran ang sarili ng mga mapagsuportang pamilya at mga kaibigan na tutulong sa iyo para masabi mo ang iyong damdamin habang nagdurusa ka. Marami ang nagkukulong sa kuwarto kapag nasa grieving period pera mas mainam kung may kakausap kang close na kaanak na magpapalakas ng loob mo. Sila ang tutulong sa iyo sa oras na kailangan mo sila.


2. Tanggapin na galit ka sa iyong sarili at sa iba. Ito’y para mapakampante ang sarili.


3. Pag-aralan ang damdamin ng galit at iba pang emosyon na siyang pinagmulan ng iyong kabiguan at pagdurusa. Tanungin ang sarili kung bakit ka ba nagagalit ngayon. Alamin nang eksakto kung bakit ka galit at kung ano ang eksaktong dahilan ng iyong ikinagagalit. Maaring galit ka dahil iniwan ka ng mister mo at sumama sa ibang babae. Tanggapin ang dahilan ng iyong galit at unawain ang rasong balido.


4. Pangalagaan ang sarili. Matulog nang sapat ang oras at nasa tamang oras. Tiyakin na kumakain ng tamang masustansiyang pagkain. Mag-ehersisyo at iwasan ang pag-inom ng alak o paggamit ng droga na magpapalala sa depresyon at galit.


5. Ilabas ang galit at emosyon sa harap ng isang tagapayo o counselor, support group o mga kaibigan. Okey lang na mailabas ang galit sa ganitong estado, pero kung feel mo na walang kontrol ang galit mo. Subukang huminga ng malalim o maglakad nang malayo para mapakalma. Hayaan mong malaman ng iyong kakampi na galit ka at kung bakit ka galit. Ipahayag mo ang iyong emosyon sa bisa rin ng pagsusulat, pagpipinta o paghahardin, paghahalaman, pagdidisenyo sa loob ng bahay, paggawa ng scrapbook o magagandang mga picture frames.


6. Ihinto na ang galit at sama ng loob matapos na mailabas na ang iyong niloloob. Alisin na ang inis sa dibdib,ito’y para mapalago na ang iyong sarili at ituloy ang matiwasay na buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page