VIC, HINATI NA SA MGA ANAK ANG MGA NAIPUNDAR
- BULGAR

- Aug 14
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 14, 2026

Photo: IG _vicsottoofficial
Hindi magiging problema kay Vic Sotto ang paghahati-hati sa kanyang mga anak ng mga properties na naipundar niya.
Taong 2022 pa ay inayos na niya ang lahat, at may nakalaan na sa mga anak nila ni Dina Bonnevie na sina Oyo at Danica Sotto. May share rin si Paulina na anak niya kay Angela Luz.
Hinati ni Bossing Vic nang parehas ang mga naipundar niyang properties, at ang natira ay ang magiging pundar nila ni Pauleen para sa dalawa nilang anak na sina Tali at Mochi.
Sa ginawang ito ni Bossing Vic, secure na secure na ang future ng kanyang mga anak.
Si Oyo Sotto ay nahihilig sa TV at movie production. Marami siyang natutunan sa kanyang Daddy Vic. Naisasama siya noon ng ama sa mga sitcoms at pelikula, kaya kumikita na rin siya. Maayos din na naitataguyod ni Oyo ang kanyang pamilya.
Well, maging si Dina ay may nakalaan din para kina Oyo at Danica. Masaya si Bonnevie na nagkasama-sama silang mag-iina sa House of D (HOD) sa YouTube (YT) dahil pinaka-bonding na nila ito.
Wala na ngang magagawa pa ang mga bashers ni Heart Evangelista dahil lalong sumisikat ang Kapuso actress habang siya ay nilalait. Walang makakahadlang sa kanyang popularidad bilang Global Fashion Icon.
Kilalang-kilala ang kanyang pangalan sa Paris at New York fashion circle. Paborito pa si Heart ng mga sikat na fashion designers kaya naman siya ang kinukuhang endorser ng mga sikat na makeup, pabango, bags, alahas, atbp..
May sariling style at tatak ang pagiging fashionista ni Heart. Kahit na galing pa sa ukay-ukay ang kanyang suot, nagkakaroon ito ng class at bumabagay sa kanyang personalidad.
Malaki rin ang tiwala ng GMA Network sa kanya kaya muli siyang pinapirma ng kontrata.
Super happy and proud si Heart sa muling pagtanggap at pagtitiwala sa kanya ng GMA Network. At pangako niyang mananatili siyang Kapuso forever.
Well, anu-ano kayang shows ang inihanda ng GMA para kay Heart Evangelista?! May mga fans din ang nagtatanong kung may serye siyang gagawin bago matapos ang taong 2026?
So far, maganda naman ang naging feedback sa Heart’s World (HW) at sa reality game show na The People Have Spoken (TPHS). Kaya naman ni Heart na mag-host kung bibigyan ng lifestyle show.
Parehong jologs at palaban…
SUGAR AT HIIPON, SWAK MAGSAMA SA SHOW
SWAK ang tandem nina Sugar Mercado at Herlene Budol a.k.a. (also known as) Hipon Girl kapag pinagsama. Pareho kasi silang jologs at palaban, at handa kahit ano’ng ipagawa sa kanila.
Maraming viewers ang naaliw kina Sugar at Herlene sa ginawa nilang showdown sa programang TikToClock. Pareho silang kalog at walang kaarte-arte.
Sana ay magkaroon ng show na magkasama sina Sugar at Herlene. Tiyak, riot ang mga eksena dahil may chemistry ang tandem nila. Pareho silang hyper at talented.
Well, lamang man si Sugar dahil sa husay niyang sumayaw, natural naman ang pagiging komedyante ni Herlene at may talent sa pagkanta.
Pansin lang ng madlang pipol kay Sugar ay marami siyang gustong gawin at patunayan. Hindi lang sa kasikatan ng Sexbomb Girls siya dumedepende, gusto niyang magkaroon ng sariling image kaya game siya kung ano ang show o role na ibigay sa kanya.
BONGGA ang handog na mga shows ng TV5 sa second half ng taong 2026. Mas malaki, mas diverse at mas maraming kuwento ang ihahatid nila sa mga viewers.
Bukod sa naunang seryeng A Secret in Prague (ASIP) at My Bespren Emman (MBE), hahataw din sa second season ang Face to Face with Ateng Korina Sanchez. Mas malawak na ang scope ng show at mas maraming matutulungan.
Maging ang dating magazine show na Rated K (RK) ni Korina ay sa TV5 na rin mapapanood sa pagbabalik nito sa ere.
At para sa mga fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, mapapanood na simula sa Setyembre ang Mommy Guard (MG) na tiyak magpapakilig sa mga viewers.





Comments