top of page
Search
BULGAR

Bagatnan bumida sa panalo ng PCU vs. MLQU sa NAASCU

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 22, 2023



Mga laro ngayong Huwebes – Enderun, Taguig

10:30 AM OLFU vs. St. Clare (W)

12:30 PM Enderun vs. UMak (W)

2:00 PM OLFU vs. PCU (Jr)

3:30 PM NEW vs. St. Clare (Jr)


Umusok agad si Dave Bagatnan upang itulak ang Philippine Christian University sa madaling 91-64 tagumpay sa Manuel L. Quezon University sa 21st National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Men’s Basketball Martes sa Enderun Colleges. Mahalaga ang resulta para sa Dolphins at sigurado na sila sa quarterfinals sa 5-3 panalo-talo habang tinapos ng Stallions ang liga na 0-9 at kabuunag 0-15 kasama ang 2022.


Binuksan ni Adrian Antonio ng MLQU ang laro sa 5 puntos at mula roon ay mag-isang ipinasok ni Bagatnan ang unang 18 puntos ng PCU para sa 18-9 lamang sa unang 6 na minuto. Hindi na nakabangon ang MLQU mula sa dagok at nagtulungan ang Dolphins na alagaan ang kanilang bentahe na umabot ng 87-55 at 3:30 sa fourth quarter.


Nagtapos si Bagatnan na may 24 puntos. Sumunod si Kenneth Obioha na may 15. May isa pang laro ang Dolphins sa Sabado kontra New Era University. Kailangan ng Hunters na manalo at kung hindi ay tatabla sila sa naghihintay na AMA University sa 4-5 para sa huling upuan sa quarterfinals at hawak ng Kings ang tiebreaker matapos manalo, 70-67, noong Nobyembre 13.


Kung magwawagi ang New Era ay maglilikha ng tabla ng Hunters, Dolphins at Enderun sa 5-4 at gagamit ng quotient. Ang tiyak pa lang ay pasok na sa semifinals ang defending champion St. Clare College at Fatima habang pangatlo ang City University of Pasay.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page