Bading pinagsasaksak ng BF sa motel

ni Levi Gonzales | February 8, 2023

Patay ang 26-anyos na negosyante matapos pagsasaksakin ng kanyang karelasyon sa Bgy. Cawit, Taal, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Ivin Aldover, ng Bgy. Pallocan Kanluran, Batangas City, habang ang suspek naman ay si Arnel Jarenu, 31, ng Bgy. Sto. Niño, Ibaan.
Alas-6:40 ng gabi nang mag-check-in ang dalawa sa isang motel sa nasabing lugar.
Makalipas ang ilang oras, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa sa ‘di malamang dahilan.
Pinagsasaksak ng suspek ang biktima bago tumakas.
Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya at nasakote ang salarin. Narekober ang sasakyan ng biktima, mga alahas, cellphone at cash.





Comments