Bading na ‘di pa rin nagkaka-dyowa, feeling may mali sa sarili
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 01, 2021
Dear Maestro,
Ang problema ko ay may kaugnayan sa aking kasarian. Ako ay isang gay at sa kasalukuyan ay hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo, pero marami akong crush na lalaki. Noong una ay hindi tanggap ng mga magulang ko ang aking sitwasyon, pero nang nag-college ako, tuluyan akong nagladlad at wala na silang nagawa. Sa halip, napuri pa nila ako dahil ‘yung iba kong kapatid na lalaki ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo, samantalang ako ay naka-graduate at ngayon ay may maganda namang trabaho. Tulad ng nasabi ko, hindi career ang problema ko kundi love life dahil zero pa rin ang love life ko hanggang ngayon, pero ‘yung iba kong mga tropa ay may kani-kanya nang dyowa. Kahit ba ganito ako, magkaka-dyowa rin ba ako at kailan naman ito matutupad? Minsan, kapag ako’y nag-iisa, nalulungkot ako at hindi ko maiwasang hindi tanungin ang aking sarili kung bakit kaya ako nagkaganito? April 25, 1996 ang birthday ko.
Umaasa,
Rosel ng Tuktukan, Guiguinto, Bulacan
Dear Rosel,
Tunay ngang ang sabi ng mga relihiyosa, dalawang uri o klase lang ng tao ang ginawa noong unang araw ng paglalang – si Adan at Eba. Kaya hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ang mga antropologo kung saan nga ba nanggaling ang iba’t ibang preferences ng mga tao pagdating sa kasarian.
Pero sa biological na pag-aaral, sa Kingdom o Animal at sa Kingdom of Plants, lehitimo o legal ang bisexual. Maraming uri ng mikrobyo at hayop ang alanganin ang kasarian, gayundin,
maraming uri ng halaman ang bisexual.
Sa isang pag-aaral na isinagawa tungkol sa Animal Journal, kinumpirma ng mga ebidensiya ang ganitong katotohanan, “The Bonobo display the highest rate of homosexual activity in any animal, being a fully bisexual species.”
Ang Bonobo ay uri ng unggoy na kung tawagin ay Pygmy Chimpanzee o maliit na uri ng chimpanzee, tulad ng nasabi na ay may pagkabakla o homosexual.
Habang ang sea urchin, snails, earth worms at iba pang uri ng mga isda sa dagat ay sinasabing mga hayop na kung tawagin ay hermaphroditic or hermaphrodite kung saan may kategoryang “truly bisexual”.
Pero mas hahanga ka sa mga dolphin sa Amazon River. Napaka-immoral ng kanilang sexual life kung mga moralista ang tatanungin. Ayon sa sinipi nating pag-aaral, “The Amazon River Dolphin, has been reported to form up in bands of 3-5 individuals enjoying group sex. The groups usually compromises young males and sometimes one or two females.
Sex is performed in non-reproductive ways, using snout, flippers and general rubbing, without regards to gender.
They will sometimes perform homosexual penetration of the blowhole, the only known example of nasal sex. The males will sometimes also perform sex with another males dolphin.”
Kumbaga sa salitang Tagalog, bukod sa bisexual ang mga dolphin sa Amazon River, gumagawa rin sila ng sari-saring kahalayan o kalaswaang pang-seksuwal na sadyang napakahirap ipaliwanag at maintindihan.
Samantala, halos lahat ng “bulaklaking halaman” ay tinatawag ding bisexual, sapagkat may kakayahan silang “i-fertile” o “buntisin” ang kanilang sarili upang magpatuloy ang kanilang pagdami at pagpapalahi.
Kaya sa susunod, ‘wag mo nang itatanong kung bakit ikaw ay naging bakla. Sapagkat napakasimple lang ng sagot, kitang-kita sa iba pang may buhay na sadya at talaga namang may nilikha na nagtataglay ng espesyal o very extraordinary na kasarian.
Samantala, ayon sa iyong Sexual at Love Calendar, sa taong 2023, ibig sabihin ay humigit-kumulang isa hanggang dalawang taon mula ngayon, magkakaroon ka na ng karelasyon. Ang unang magiging dyowa mo ay isang Scorpio, pero hindi rin kayo magkakatuluyan o sabihin nating masarap pero panandaliang romansa lamang.
Pagkatapos, bigyang-daan naman ang taong 2024, kung saan dito ka na magkakaroon ng halos pangmatagalang relasyon sa isang kapwa mo bisexual, na isinilang sa zodiac sign Capricorn na maaaring siya na rin ang makakasama mo nang halos habambuhay na.




Comments