Bacolod wala nang liquor ban

ni Jasmin Joy Evangelista | March 2, 2022

Tinanggal na ni Mayor Evelio Leonardia ang liquor ban sa Bacolod City at ginawang midnight hanggang 4 a.m. ang curfew.
Sa inilabas na Executive Order No. 9, Series of 2022 ni Leonardia nitong Martes, March 1, sinabi rito na papayagan na ang full on-site o venue seating capacity sa mga establisimyento, mga indibidwal, at aktibidad dahil nasa Alert Level 1 na ang siyudad hanggang Marso 15.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na patuloy na sundin ang minimum public health standards tulad ng physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask, body temperature check, at paggamit ng BaCTrac ID system sa mga establisimyento.





Comments