top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babu na bilang FDCP chairwoman… LIZA AT ICE, PUWEDE NANG MAGKA-BABY

BULGAR
Jul 8, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 8, 2022




Ngayong wala na sa balikat ni Liza Diño ang pamamahala sa FDCP, puwede na niyang ituloy ang mga bagay na gusto niyang gawin para sa kanyang personal na buhay.


Sa isang mediacon ng FDCP noon ay nabanggit ni Liza na gusto pa niyang palawakin ang kanyang kaalaman sa maraming aspeto. Gusto niyang gawing kapaki-pakinabang ang bawat araw sa kanyang buhay.


Isa pang madalas na itanong kay Liza ay kung kailan nila ipu-push ang “baby project" nila ni Ice Seguerra. Matagal na nila itong plano at nakahanap na rin sila ng sperm donor na pasado sa kanilang standard ni Ice. Naging busy lang si Liza Diño nang magsilbing chairman/CEO ng FDCP.


So, ano kaya ang pipiliin ni Liza, ang magpatuloy sa pag-aaral o ituloy na ang baby project nila ni Ice?


So far, marami namang nagawa si Liza sa FDCP at mahal na mahal siya ng kanyang staff. Wala rin kaming masabi sa husay ng PR niya sa media. She's hardworking at very accommodating. Tiyak na mami-miss siya ng maraming movie press.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page