Babawi Alas sa Kyrgyztan, PNVF board atras sa suporta
- BULGAR

- 13h
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 8, 2026

Photo: Si Alyssa Solomon (kanan) ng Alas Pilipinas women sa isang maaksiyong tagpo laban sa Australia kahapon sa AVC Cup sa Candon, Ilocos Sur. (avccup)
Mga laro ngayong araw (Lunes)
(Candon City Arena)
9 am – Lebanon vs Hong Kong
12 nn – Kazakhstan vs Iran
3 pm – Pilipinas vs Kyrgyzstan
6 pm – Vietnam vs Indonesia
9 pm – Chinese Taipei vs Australia
Nabalewala ang game-high birada ni opposite hitter Alyssa Solomon para sa Alas Pilipinas women’s national volleyball team na malugmok sa come-from-behind na unang pagkatalo laban sa Australia sa 22-25, 25-23, 25-18, 15-25, 11-15 fifth set kahapon para sa 3-2 sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Nanguna sa atake ang 6-foot-1 na dating NU Lady Bulldogs opposite hitter na si Solomon ng 23 puntos na sinundan ni four-time UAAP Best Middle Blocker Nina Ytang sa 13 marka at 9 na atake, gayundin si Alyssa Valdez sa 11 puntos habang nag-ambag sina Thea Gagate at Royse Tubino ng 7 at 6 na puntos, ayon sa pagkakasunod.
Kayod sa pagbira ng atake ang dating Osaka Marvelous wing spiker na si Solomon na kumana ng 10 puntos sa second set katuwang si Ytang na may 5 marka upang dalhin sa tabla ang laro sa 1-1 sa 25-23, kasunod magpakawala ng Aussie spikers ng 7-3 run sa first set tungo sa unang panalo.
Samantala, nagpahayag na rin ng pagkadismaya at kawalang-tiwala ang karamihan sa mga opisyal ng lokal na volleyball federation sa pinuno na si Tony Boy Liao.
Naunang inilahad ng International Volleyball Federation (FIVB) ang agarang epekto ng suspensiyon sa PNVF. Siyam na board members ng PNVF ang naglabas ng kanilang pag-atras ng suporta kay Liao kabilang sina Vice President Yul C. Benosa, secretary-general Rustico Camangian, Auditor Roger Banzuela, Executive Board Chairman Arnel B. Hajan, at mga board members na sina Sherwin Maganda, Fr. Victor Calvo Jr., Danilo Cong-O, Maricor Socorro Calleja-Uy, at Edward R. Lee.





Comments