Babanat sa bigating world title si Llover vs. Ngxeke
- BULGAR

- Aug 20
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | August 20, 2025

Photo: Circulated image / Interview via Bulgar
Hindi gagawing madali ni Filipino rising star Kenneth "The Lover Boy" Llover ang kanyang misyon na makamit ang inaasam na world title fight matapos ang kumbinsidong eight-round referee stoppage fight kay dating two-division champion Luis “El Nica” Concepcion ng Panama noong Linggo upang maagang makabalik sa ensayo bilang paghahanda sa world title eliminator sa Oktubre 26 sa Kyrgyzstan.
Paghahandaang maigi ng kampo ng undefeated Pinoy boxer ang makakaharap na si South African Landile “Mandown” Ngxeke, na napagwagian ang parehong bakanteng International Boxing Federation (IBF) International at World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental Bantamweight belt kontra Eric “Pitbull” Gamboa ng Mexico sa bisa ng 10-round unanimous decision noong Hunyo 29 sa South Africa. “Paghahandaan ko, mas pagte-trainingin ko pa, kumbaga sa 100% lalampasan ko pa,” pahayag ni Llover sa post-fight interview vs. Concepcion.
“Ang kailangan ko pang-iimprove dito is 'yung skills ko pa sa pakikipagsuntukan, then 'yung adjustments, nagawa ko na naman, hindi ako nagmadali, timing then, (pero) ang sure na sure kong tatama sa kanya 'yung straight ko, 'yung kaliwa ko kase talagang ‘di rin siya gumagalaw eh, kaya abangan na lang nila sa October 'yung laban ko,” dagdag ng reigning Orient and Pacific Boxing Federation (OPBF) 118-lbs champion.
Aminado maging si dating two-division World champion at GerryPens Promotions head Gerry “Fearless” Penalosa na may mga dapat pang hasain sa mga kakayanan ng price-fighter bago muling isalang sa susunod na laban ang 25-anyos na tubong General Trias, Cavite.
“Imperfect, siyempre may mga kulang pa, although needed, pero nu'ng nakita ko nu'ng tumama siya ng mga early rounds, at least dalawa, pero, siguro nag-iingat rin siya, palaban 'yung ano eh at alam niyang beterano kaya’t hindi agad-agad. So, but still, it’s a good experience na ipinakita niya na ready siya sa mga ganung level. So, I’m proud at masaya ako dun,” eksplika ni Penalosa sa harap ng mga manunulat kasama ang Bulgar na nagkober ng laban.








Comments