top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babala ng uwak na may kagat na uod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 21, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Zambales.


Dear Maestra,


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko noong isang gabi na may uwak sa bintana ko, tapos may kagat itong uod.


Ang ginawa ko ay kinuha ko ‘yung baril at binaril ‘yung uwak.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert


Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang uwak sa bintana ay may lihim kang kaaway sa paligid mo at gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka. ‘Yung uod na kagat niya ay halos pareho lang din ang kahulugan. Ito ay nagpapahiwatig na hindi titigil ang kaaway mo hangga’t hindi nagtatagumpay ang masama niyang binabalak laban sa iyo.


Samantala, ang kinuha mo ‘yung baril at binaril ang uwak ay nangangahulugang kayang-kaya mong talunin ang iyong kaaway. Hindi matutuloy ang masama niyang binabalak dahil magagapi mo siya. Dahil d’yan, iiwas na siya sa iyo at tuluyang titigil sa paghahangad ng masama laban sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page