top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babala ng sunod-sunod na kabiguan

BULGAR
Jan 16, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 16, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Louie ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umakyat ako sa puno upang iwasan ‘yung taong natanaw ko sa malayo. Pakiramdam ko kasi ay holdaper siya at natatakpan ng mask ang buong mukha niya, kaya takot na takot ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Louie


Sa iyo, Louie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka sa puno upang umiwas sa tao na sa palagay mo ay holdaper ay makakaranas ka ng sunod-sunod na kabiguan bago mo makamit ang iyong mga pangarap sa buhay.


Samantala, ang takot na takot ka sa inakala mong holdaper na nakamask ay nangangahulugan na hindi tapat sa iyo ang karelasyon mo. Dahil dito, hindi mo siya dapat pagkatiwalaan nang husto dahil pakunwari lamang ang ipinakikita niyang pagmamahal sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page