top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala ng sagabal sa mga plano at pagkalugi sa negosyo

  • BULGAR
  • Dec 12, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagsasalamin ako nang biglang may langaw na dumapo sa mukha ko. Sobrang nainis ako, kaya binugaw at pinaalis ko ito agad.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Roy


Sa iyo, Roy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsasalamin ka o tinitingnan mo ang iyong sarili sa harap ng salamin ay pagkalugi sa negosyo. Hihina ang kita ng negosyo mo at pati puhunan ay halos hindi na kayang maibalik. Ang langaw naman na biglang dumapo sa mukha mo habang nagsasalamin ka ay nagpapahiwatig na marami kang daranasing sagabal at pagkainis sa kasalukuyan mong gawain.


Magpakatatag ka at huwag mawalan ng pag-asa, dahil lilipas din ang mga dalamhati mo sa buhay. Pagpapalain ka rin sa susunod na kabanata ng iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page