top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Babala ng malaking gulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 27, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tessie ng Aklan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may concert akong pupuntahan, pero hindi ko alam ang isusuot kong damit. Binuksan ko ang aking aparador at kumuha ako ng iba’t ibang style ng kasuotan.


Nakapili naman ako, kaya umalis ako ng bahay at nanood ng concert.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Tessie


Sa iyo, Tessie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na binuksan mo ang iyong aparador, kumuha ng iba’t ibang style ng damit upang pumili ng isusuot papunta sa concert ay babala na dapat kang umiwas sa gulo.


Samantala, ang umalis ka ng bahay upang manood ng concert ay nangangahulugan na may posibilidad na madamay ka sa isang malaking gulo dahil sa mga hindi mapagkakatiwalaang kaibigan. Piliin mo lamang ang mabubuti at maaasahang kaibigan sa sandali ng kagipitan.


Kailangang maging matalas ang iyong pakiramdam upang makaiwas ka sa kapahamakan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page