top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babala ng kalungkutan at kasawiang palad

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 15, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Veronica ng Pampanga.


Dear Maestra,


Isa ako sa nangangarap na makapag-asawa ng isang mayamang lalaki na mayroong palasyo. Super taas ng pangarap ko hanggang sa sumagi na ito sa aking panaginip.


Napanaginipan ko na nasa palasyo raw ako. Pinapunta ako ng hari, dahil nais niya akong makausap ng masinsinan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Veronica



Sa iyo, Veronica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa palasyo ka, at ipinatawag ka ng hari dahil gusto ka nitong makausap, ay tataas ang antas ng iyong buhay. Kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan. Ito rin ay nagpapahiwatig na magkakamit ka ng mga karangalan. Pararangalan ka sa inyong lugar.


Samantala, kung sa panaginip mo hindi maganda ang pagtanggap sa iyo ng hari. Hindi siya masayang kausap, hindi ka mapalagay habang kausap mo siya, kalungkutan at kasawiang palad ang nais nito ipaalam sa iyo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page