Babala na ‘wag mainlab nang todo sa karelasyon
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 4, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerry ng Masbate.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na pumunta ako sa plaza para manood ng mga palabas du’n. May nakita akong nagma-magic, tapos may suot siyang maskara. Nasiyahan ako sa mga tricks na ginawa ng madyikero, tapos hangang-hanga ako sa kanya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerry
Sa iyo, Jerry,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa plaza para manood ng magic ay pagbabago ng kalagayan mo sa buhay na may kaakibat na kaunlaran sa iba’t ibang pamamaraan. Ito rin ay nagpapahiwatig na kailangang maging matalas ang iyong pakiramdam sa mga kaibigan na maiinggit sa iyo dahil sa pag-unlad mo sa buhay.
Samantala, ang maskara naman ay nangangahulugan na hindi tapat sa iyo ang kasuyo mo dahil may nililihim siya. Iwasan mong mahulog nang husto ang damdamin mo sa kanya upang hindi ka masaktan sa dakong huli.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments