top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babala na ‘wag magsimula ng bagong negosyo

  • BULGAR
  • Nov 10, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 10, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tommy ng Cavite.


Dear Maestra,


Isa akong businessman. Dati ay malakas ang kita ko, pero simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic ay humina na ang kita at hanggang ngayon ay matumal ang negosyo ko.


Napanaginipan ko na nadamay ako sa kasong isinampa laban sa kapatid ko. Wala naman akong kinalaman sa mga gawain niya, kaya takang-taka ako dahil nadawit ang pangalan ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Tommy


Sa iyo, Tommy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nadamay ka sa kasong isinampa laban sa kapatid mo ay pagkalugi sa negosyo, kung saan maba-bankrupt ang negosyo mo at mahihirapan kang mabawi ang dati mong kita. Dahil d’yan, dapat kang maging maingat simula ngayon.


Ang panaginip mo ay nagbababala rin na huwag na huwag kang ma-involve muna sa bagong negosyo o kasosyo, gayundin, iwasan mong mangutang sa mga lending company. Huwag ka ring mamuhunan ulit ng malaki dahil may posibilidad na magsisi ka sa huli.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page