Babala na wa’ suwerte sa mapapangasawa
- BULGAR
- Jul 2, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 2, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudy ng Zambales.
Dear Maestra,
Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar. Isa akong millennials na balak magpakasal, at mas bata sa akin ang mapapangasawa ko.
Napanaginipan ko na may matatanggap akong mana mula sa tita ko. Ayon sa power of Attorney na pinagawa niya sa abogado niya.
Noong nakaraan naman ay napanaginipan ko na nasugatan ang mga paa ko, at hindi ko ito maihakbang.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rudy
Sa iyo, Rudy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na isa ka sa makakatanggap ng mana mula sa tita mo, ay kunwari lang. Hindi totoong kasali ka sa pamamanahan. Gawa-gawa lang ng tita mo ang will and testament niya. Hindi ito legal. Nais lang niyang ma-impress ka sa kanya, sa madaling salita kulang lang siya sa pansin.
Samantala, ang nasugatan ang mga paa mo, ‘di mo ito maihakbang, ay nangangahulugang mahirap ang mapapangasawa mo. Hindi siya nabibilang sa mayamang angkan. Hindi rin siya maaasahan sa gawaing bahay. Hindi rin siya magiging ulirang ina ng tahanan. At wala pa siyang kamuwang-muwang sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments