top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala na sasamantalahin ng mga pekeng kaibigan dahil sa kabaitan

BULGAR
Oct 1, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 1, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fatima ng Valenzuela.


Dear Maestra,


Masyado akong nababahala sa panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko na may mga batang umaakyat sa gate namin pero may nauna na sa kanila na isang babae na pink ang suot na blouse at itim naman ang palda, tapos tinulak ko at nabuwal siya. Akala ko ay nauntog siya pero hindi naman pala. Tapos may kasama siyang dalawa pang lalaki, ‘yung isa ay pumito para tawagin ang iba pang mga bata saka dumating ‘yung mga bata at nakasuot sila ng kulay itim. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Fatima



Sa iyo, Fatima,


Ang mga bata sa panaginip mo ay nagpapahiwatig ng tagumpay sa negosyo na binabalak mong gawin. May plano ka para sa ikauunlad ng buhay ninyo, pero hindi magiging maganda ang tingin sa iyo ng nakararami at hindi sila sasang-ayon sa mga plano mo.


‘Yun namang babae na umakyat sa gate at nakasuot ng pink blouse at itim na palda, ito ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa pakikitungo sa isang kaibigan mong babae dahil hindi siya tapat sa iyo.


Samantala, nagpapahiwatig din ang panaginip mo na huwag ka masyadong magtiwala sa mga kaibigan, mapa-babae man o lalaki. Talasan mo ang iyong isip dahil sasamantalahin nila ang pagiging maganda ng pakikitungo mo sa kanila. Ang inaakala mong totoong kaibigan ay siya palang may hindi magandang binabalak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page