top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babala na may parating na kaguluhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 04, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Roxas City.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-swimming ako sa isang sikat na beach resort dito sa amin.


Inilubog ko ang ulo ko sa tubig habang lumalangoy. Nakaramdam ako ng pangangapos ng hininga kaya umahon ako agad, tapos pumunta ako sa bathroom at nagsabon nang nagsabon ng buong katawan para gumanda ang aking pakiramdam. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,


Romeo


Sa iyo, Romeo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsu-swimming ka na nakalubog ang ulo sa tubig ay babala ng kaguluhan sa darating na mga araw. Madadamay ka sa isang gulo kung hindi mo pipiliin ang mga kaibigan mo na magyayaya sa iyo upang maglibang.


Gayundin, ang sabi mo ay nagsabon ka nang nagsabon upang gumanda ang iyong pakiramdam, ito ay nangangahulugang maiiwasan mo ang nagbabantang gulo sa buhay mo kung gagamitin mo ang iyong talino at kakayahang umiwas agad sa gitna ng kaguluhan.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page