top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babala na masisimot ang perang itinabi dahil sa pagnenegosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 16, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Daisy ng Makati.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo r'yan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nasa pantalan ako. Sasalubungin ko raw 'yung friend ko na galing sa Manila.


Ang daming langaw na nagliliparan sa paligid hanggang sa nakaramdam ako ng kalungkutan at inip habang ako ay naghihintay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Daisy


Sa iyo, Daisy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa pantalan ka, sasalubungin mo friend mo na galing sa Manila, ay dapat kang maging handa, buo ang loob sa pagdating ng mga problema sa iyong buhay. Dapat mong harapin ng buong tapang ang mga suliraning nakatakdang dumating sa susunod na mga araw.


Samantala, ang daming langaw sa paligid mo ay sign na sunud-sunod na suliranin ang dapat mong lutasin. Ito ay magdudulot ng pagkainis at kawalan ng pag-asa ngunit hindi ka dapat malungkot, dahil kayang-kaya mo itong gawan ng paraan sa tulong ng iyong kaibigan na laging handang dumamay sa mga pasaning dumarating sa iyo.


Ang nakaramdam ka ng kalungkutan at pagkainip habang naghihintay, ay babala ng financial sacrifice, kakailanganin mong isakripisyo ang iyong sariling pananalapi sukdulang hanggang maubos ang budget mo sa transaksyon na may kaugnayan sa bagong negosyo balak mong umpisahan. Mag-isip-isip ka muna bago ka pumasok sa isang negosyo. Alamin mo muna pasikut-sikot tungkol dito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page