Babala na masasangkot sa malaking gulo
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 18, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Garry ng Roxas City.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan d’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na nagising ako ng hatinggabi upang kumuha ng tubig sa ref.
Nakakita ako ng higante na nakatingin sa akin. Sa sobrang takot ko ay nabitiwan ko ‘yung basong hawak ko, at nabasag ito. Miski ang garter ng pajama ko ay lumuwag.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Garry
Sa iyo, Garry,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gumising ka ng hatinggabi upang kumuha ng tubig, natakot ka dahil nakakita ka ng higante sa kusina niyo, ay makakaranas ka ng mga hadlang sa iyong mga binabalak gawin na kinakailangang ibuhos mo ang iyong lakas at panahon upang maiwasan ito.
Ang nabitawan mo ang baso, at nabasag ito, ay nagpapahiwatig na may darating na problema sa buhay mo ngunit hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil malulutas mo rin ito agad.
Samantala, ang lumuwag ang garter ng pajamang suot mo, ay nangangahulugang masasangkot ka sa malaking gulo sa iyong tahanan. Huwag mong pairalin ang init ng iyong ulo, at maging mahinahon sa lahat ng oras.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments