top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Babala na masasangkot sa gulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 10, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Caloocan.


Dear Maestra,


Maraming salamat sa kolum n’yo tungkol sa panaginip dahil nabibigyan ako ng babala para makaiwas sa gulo at naliliwanagan ko kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga panaginip ko. Gusto kong magpaanalisa ulit ng panaginip.


Napanaginipan ko na may snow storm sa lugar namin, tapos sumilip ako sa bintana at natalsikan ng snow. Nadumihan ang braso ko, kaya agad akong pumunta sa bathroom at sinabunan ang aking braso.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry


Sa iyo, Gerry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may snow storm sa lugar n’yo ay may mararanasan kang mga pagsubok sa buhay, pero malalagpasan mo ito.


Samantala, ang ibig ipahiwatig ng hinugasan mo ng sabon ang iyong braso dahil nadumihan ito ng snow na tumalsik mula sa bintana ay masasangkot ka sa gulo.


Gayunman, malulusutan mo ito at makakaiwas ka agad bago pa lumala ang naturang kaguluhan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page