Babala na mapapahiya dahil sa chismosang kaibigan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 24, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flor ng Lucena City.
Dear Maestra,
Kumakain ako sa isang restoran kasama ang aking mga kaibigan, tapos nag-inuman kami at nagpakalasing.
Naghihintay,
Flor
Sa iyo, Flor,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay malalagay ka sa kahiya-hiyang sitwasyon dulot ng mga chismosa mong kaibigan. Malaking eskandalo ang magaganap sa pinapasukan mo na magdudulot upang ikaw ay tanggalin sa trabaho.
Ang sabi mo ay nag-inuman din kayo ng mga kaibigan mo hanggang tuluyang malasing. Ito ay nagpapahiwatig na ang isa sa mga nakainuman mo ay sisiraan ka sa boyfriend mo hanggang sa tuluyan ka nang hiwalayan nito.
Ang payo ay talasan mo ang iyong pakiramdam at huwag kang magtiwala sa iyong mga kaibigan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments