Babala na mananakawan at pababagsakin ng kaaway
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 4, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na maganda ‘yung mga repolyo na nakatanim sa gulayan namin dahil malagong-malago ang mga ito. Kumuha ako at niluto ko pagdating sa bahay. Ang sarap ng luto ko dahil sariwang-sariwa ‘yung repolyo bago ko ito iluto.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lolit
Sa iyo, Lolit,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na maganda ang tanim n’yong repolyo, kumuha ka nito at iniluto mo. Ito ay nangangahulugan na mawawalan ka ng malaking halaga, kung saan mananakawan ka.
Samantala, ang kinain mo ito pagkatapos iluto ay nangangahulugan na may lihim kang kaaway na labis ang pagkainggit sa iyo. Gagawin niya ang lahat para pabagsakin ka. Dahil d’yan, talasan mo ang iyong pakiramdam at mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments