top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala na mamalasin sa darating na mga araw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 14, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa harap ako ng Judge. Nakatakda akong hatulan sa araw na iyon dahil may nagawa akong isang krimen. Ang tingin daw ng mga tao sa akin ay isang kriminal.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Larry


Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa harap ka ng Judge at nakatakdang hatulan sa krimeng nagawa mo ay kasawiang palad. Mamalasin ka sa darating na mga araw.


Kung guilty ang hatol ng hukom sa iyo, ito ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran. Susuwertehin ka sa buhay, at hindi ka na muling maghihirap pa.


Mas maganda sana kung sa panaginip mo ikaw mismo yung Judge, dahil ito ay nangangahulugang sisikat at kikilalanin sa inyong lugar. Makakamit mo ang pinakamataas na karangalan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page