top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Babala na malulugi sa negosyo at malalagay sa kahihiyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 15, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 15, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Masbate.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip tungkol sa trumpeta, hawak-hawak ko umano ito at hinipan ko nang malakas. Noong isang gabi naman napanaginipan ko na nakarinig ako ng tunog ng trumpeta sa ‘di kalayuan sa amin.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Rolly


Sa iyo, Rolly,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may hawak kang trumpeta, hinihipan mo ito, ay magtatagumpay ka sa negosyo gayundin sa lovelife mo. Susuwertehin ka sa pag-ibig at uunlad ng todo ang iyong negosyo.


Samantala, ang narinig mo ang tunog ng trumpeta pero ‘di mo naman hinihipan gaya ng unang panaginip mo, nangangahulugan ito ng gulo. Mapapaaway ka sa ‘di kalayuang lugar n’yo. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pagkalugi sa negosyo, malulugi ang negosyo mo sa kasalukuyan, malalagay sa kahihiyan ang iyong buhay at pagtsi-tsismisan ka ng iyong mga kapitbahay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page