top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babala na malalagay sa peligro ang buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 29, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenzo ng Davao


Dear Maestra,


Nawa'y nasa mabuti kayong kalusugan at ligtas sa anumang kapahamakan. Isa akong sundalo at na-assign ako rito sa liblib na lugar.


Napanaginipan ko na ang daming paniki sa paligid namin. Nagliliparan ito t’wing gabi.


Kinabukasan ay napalaban kami sa mga terorista na bigla na lang nanggulo sa kaibigan namin. Sa kabutihang palad, natalo namin ang mga ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Lorenzo


Sa iyo, Lorenzo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa liblib kang lugar, ang daming paniki na nagliliparan sa paligid, ay may mahigpit kang karibal sa puso ng iyong minamahal.


Mapanganib siya kaya dapat mo siyang iwasan dahil pagtatangkaan niya ang iyong buhay.


Samantala, ang napalaban kayo sa mga terorista na bigla na lang nanggulo sa kaibigan n’yo ay nangangahulugang may paparating na gulo sa buhay mo, pero huwag kang mag-alala dahil ang ibig sabihin na kayo ang nagwagi, natalo n’yo ang mga terorista, ay malulusutan mo ang kaguluhang darating sa iyong buhay. Mapagtatagumpayan mo ito at maiiwasan ng walang pasubali.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page