Babala na magkakasakit kung masosobrahan sa pagtatrabaho
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 16, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeremy ng Tarlac.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat. Dati akong bartender sa barko, pero ngayon ay nandito lang ako sa bahay at sa kasalukuyan ay wala pa ring trabaho.
Napanaginipan ko na naisipan kong gumawa ng alak. Habang tinitimpla ko ito, bigla akong namutla at nahilo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jeremy
Sa iyo, Jeremy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong gumawa ng alak ay may darating kang hindi inaasahang bisita. Gayunman, matagal mo na siyang hindi nakikita. Ito rin ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganaan sa buhay.
Samantala, ang ibig sabihin ng bigla kang namutla at nahilo ay babala na hindi mo dapat sobrahan ang pagtatrabaho. Kumbaga, dapat ay hinay-hinay lang. Kung ano lang ang kaya mong gawin, ‘yun ang iyong tutukan. May babala na maaari kang magkasakit kung magiging labis ang pagtatrabaho mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments