Babala na magkakasakit
- BULGAR
- Jan 25, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 25, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norberto ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na sumakit ang sikmura ko, kaya humingi ako ng payo sa hipag ko kung ano ang mabisang gamot na dapat kong inumin. Doktor ang hipag ko, kaya kumonsulta ako sa kanya, tapos pinayuhan niya ako na huwag magpalipas ng gutom at ilagay sa ayos ang oras ng pagkain.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norberto
Sa iyo, Norberto,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumakit ang iyong sikmura ay hindi magiging maganda ang pakiramdam mo sa susunod na mga araw. Subalit huwag kang mag-alala dahil pansamantala lamang ang sakit na mararamdaman mo at mawawala rin ito kinabukasan.
Samantala, ang ibig sabihin ng kumonsulta ka sa hipag mong doktor at pinayuhan ka niya ng nararapat gawin ay makakaranas ka ng hadlang sa mga gusto mong gawin sa kasalukuyan. Gayunman, kung magpapatulong ka sa pinagkakatiwalaan mong kaibigan, maiiwasan mo ang nasabing mga hadlang.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments